Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong Sino-Pilipino, pinahihigpit sa pamamagitan ng Ping Pong Diplomacy ng mga kabataan

(GMT+08:00) 2018-11-04 18:24:02       CRI

Capital University Physical Education and Sports (CUPES), Beijing--Sabado, Nobyembre 3, 2018, binuksan ang Ika-4 na China-Philippines Youth Table Tennis Friendly Match. Dumalo sa seremonya ng pagbubukas sina Li Yingchuan, Pangalawang Direktor ng Pambansang Kawanihan ng Palakasan ng Tsina at Pangalawang Tagapangulo ng Chinese Olympic Committee, Zhong Bingshu, Pangulo ng CUPES, Winston Dean Almeda, First Secretary at Consul ng Pasuguan ng Pilipinas sa Tsina, Philippine Youth Table Tennis Exchange Group na pinamumunuan ni Stephen Techico, Pangulong Pandangal ng Federation of Filipino Chinese Association of the Philippines (FFCAP), at mga iba pang personahe sa larangan ng palakasan ng Tsina.

Sa seremonya ng pagbubukas, sa ngalan ni Ambassador Jose Santiago Santa Romana, binati ni Consul Almeda ang matagumpay na pagdaraos ng aktibidad. Aniya, noong dekada 70, ang Ping Pong Diplomacy ay itinuring na tulay para mapahigpit ang pag-uunawaan sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos. Umaasa aniya siyang ipagpapatuloy ng mga kabataan sa bagong henerasyon ang ganitong diplomasya para mapalalim ang pag-uunawaan, at mapahigpit ang pagkakaibigan ng Tsina at Pilipinas.

Dagdag pa ni Almeda, sa loob ng kasalukuyang buwan, dadalaw sa Pilipinas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Ito aniya ang kauna-unahang dalaw-pang-estado ng pangulong Tsino nitong nakalipas na 13 taon, at nagpapakita ng malalimang pagkakabigan ng dalawang bansa. Hinimok niya ang mga kasali sa nasabing aktibidad na samantalahin ang pagkakataong ito para mapalalim ang relasyong Sino-Pilipino.

Sa kanya namang talumpati, ipinahayag ni Stephen Techico na nitong nakalipas na ilang taon, sa ilalim ng pamumuno ng mga lider ng Tsina at Pilipinas, pumasok sa bagong panahong historikal ang pag-unlad ng bilateral na relasyon ng dalawang bansa, at maaaring bigyang-ambag ng mga karaniwang mamamayan na tulad niya ang kooperasyong pangkaibigan ng kapuwa panig.

Ani Techico, ang pagkakaibigang pangkapitbansa ay paunang kondisyon ng kooperasyon at kaunlaran. Ang Pilipinas ay hindi lamang unang hinto sa labas ng timog na pinto ng Tsina, kundi mahalagang hub din sa kahabaan ng Belt and Road. Umaasa aniya siyang makakatulong ang Pilipinas sa pag-unlad ng estratehiya ng Belt and Road, at hahanapin ang kooperasyon at komong kaunlaran.

Nang araw ring iyon, isinagawa ng mga batang paddlers na Pinoy at Tsino mula sa CUPES ang paligsahang pangkaibigan. Isang aktibidad ng pagpapalitan ang ginanap din Linggo ng hapon sa pagitan ng mga table tennis team na Pinoy, Peking University ng Tsina at Meiji University ng Hapon.

Ulat/Larawan: Vera
Pulido: Mac
Web-editor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>