Ipinahayag Nobyembre 21, 2018 sa Ramallah ni Gong Xiaosheng, Sugo ng Tsina sa mga isyu ng Gitnang Silangan, na nakahandang gumanap ang Tsina ng konstruktibong papel para pasulungin ang pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Gitnang Silangan.
Nauna rito, sa magkahiwalay na okasyon, nakipag-usap si Gong kina Pangulong Mahmoud Abbas ng Palestina at Abbas Zaki, namamahalang tauhan ng Fatah sa pakikipagtulungan sa Tsina.
Ipinahayag ni Gong na bumisita siya sa Gitnang Silangan matapos maganap ang bagong sagupaan sa pagitan ng Palestina at Israel. Ang biyaheng ito aniya'y para ipakita ang pagpapahalagang ibinibigay ng Tsina sa kasalukuyang kalagayan at pagbibigay-suporta sa mga mamamayan ng rehiyong ito. Samantala, ito aniya'y para ipakita rin ang paninindigan at mithiin ng Tsina sa tigil-sagupaan, para maisakatuparan ang kapayapaang panrehiyon.