Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangulo ng Tsina at Hari ng Espanya, nagtagpo

(GMT+08:00) 2018-11-29 11:38:58       CRI

Kinatagpo Nobyembre 27, 2018, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Haring Felipe VI ng Espanya sa Zarzuela Palace, Madrid, Espanya.

Ipinahayag ni Xi na masaya siyang dumalaw sa magandang Espanya sa paanyaya ni Felipe VI. Kinagigiliwan aniya ng Tsina ang integrasyon ng Europa, at umaasang patuloy na gagawa ang Espanya ng positibong papel para sa komprehensibong estratehikong partnership ng Tsina at EU.

Ipinahayag ni Haring Felipe VI na pinahahalagahan ng Espanya ang pagkakaibigan at kooperasyon ng kanyang bansa at Tsina. Nakahanda ang bansang patuloy na panatilihin ang mahigpit na pagpapalitan, pataasin ang lebel ng kooperasyon, pahigpitin ang koordinasyon sa multilateral na suliranin, at positibong pasulungin ang pagpapalalim ng relasyon ng Europa at Tsina.

salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>