
Bumigkas ng talumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Parliamento ng Espanya Nobyembre, 28, 2018.
Ipinahayag ng Pangulong Tsino na nakahandang palakasin ng Tsina ang mataas na pakikipagpalitan sa Espanya, magbigay-suporta sa kani-kanilang nukleong interes at pagkabahala, at samantalahin ang tumpak na direksyong pangkaunlaran sa pagtutulungan ng dalawang panig. Umaasa aniya siyang pahihigpitin ang pagpapalitan ng dalawang panig sa larangan ng ideyang pangkaunlaran, estratehikong ugnayan, kooperasyon sa konstruksyon ng"Belt and Road," at koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig. Ipinahayag ng Pangulong Tsino na gumaganap ng konstruktibong papel ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Espanya sa larangan ng pagpapalakas ng pagtitiwalaang pampulitika, pagpapalawak ng pagpapalitang di-pampamahalaan, at pagpapalakas ng pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang patuloy na magbibigay-suporta ang mga miyembro ng dalawang kapulungan para ibayo pang pasulungin ang mapagkaibigang pagtutulungan ng dalawang bansa.