Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-30 ng Nobyembre 2018, sa Beijing ang aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Three-north Forest Protection Project.
Ayon sa estadistikang inilabas sa aktibidad, nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ang naturang proyekto, itinanim sa hilagang-silangan, hilaga, at hilagang-kanlurang bahagi ng Tsina ang mahigit 30 milyong hektaryang kagubatan. Ang forest coverage rate sa mga lugar na saklaw ng proyekto ay tumaas ngayon sa mahigit 13.5%, mula mahigit 5% noong taong 1977. Pinatitingkad ng proyektong ito ang mahalagang papel sa paglaban sa desertification at soil erosion, at pangangalaga sa taniman at pastulan.
Nagpadala naman ng mensahe sa aktibidad si Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, ang naturang proyekto ay mahalagang bahagi ng konstruksyong ekolohikal ng bansa, at dapat patuloy at buong husay na isagawa ang proyekto.
Salin: Liu Kai