Idinaos kahapon, Biyernes, ika-30 ng Nobyembre 2018, sa Buenos Aires, Argentina, ang Ika-13 G20 Summit.
Dumalo sa unang yugtong pulong si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, at bumigkas ng talumpati hinggil sa kabuhayang pandaigdig.
Sinabi ni Xi, na bagama't nananatili ang paglaki sa kabuuan ng kabuhayang pandaigdig, umiiral pa rin ang mga malalim na problema at dumarami ang mga panganib. Nanawagan siya sa mga bansa ng G20, na igiit ang pagbubukas at pagtutulungan, itaguyod ang diwa ng pagkakatuwang, palakasin ang papel ng inobasyon, at pasulungin ang inklusibong pag-unlad. Ang mga ito aniya ay makakatulong sa pagtahak sa tamang landas ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai