Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Wang Yi at Abdullah Abdullah, nagtagpo; relasyong Sino-Afghan, isusulong

(GMT+08:00) 2018-12-16 15:28:10       CRI

Kabul — Sa kanyang pakikipagtagpo Sabado, Disyembre 15 (local time), 2018, kay Abdullah Abdullah, Punong Ehekutibo ng Afghanistan, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang mapagkaibigang relasyon ng Tsina at Afghanistan ay pinahahalagahan ng mga lider at puspusang kinakatigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Afghanistan, upang mapasulong ang walang humpay na pag-unlad ng kooperasyon ng dalawang panig sa iba't-ibang larangan.

Tinukoy ni Wang na natamo at narating ng Ika-2 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Tsina, Afghanistan, at Pakistan, at isang serye ng komong palagay. Aniya, nakahanda ang panig Tsino, sa pundasyon ng lubos na paggalang sa mithiin ng panig Afghan, patuloy na magpatingkad ng konstruktibong papel. Kakatigan aniya ng Tsina ang proseso ng kompromiso na isinusulong ng pamahalaang Afghan para maisakatuparan ang malawakang kompromisong pampulitika sa lalong madaling panahon. Hinahangaan din aniya ng Tsina ang mga natamong progreso ng relasyon ng Afghanistan at Pakistan. Kinakatigan ng Tsina ang pagpapalakas ng diyalogo, pagpapahigpit ng pagtitiwalaan, at pagpapabuti ng relasyon ng nasabing dalawang bansa para magkakasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan sa rehiyong ito, dagdag ni Wang.

Ipinahayag naman ni Abdullah na mainam ang pag-unlad ng relasyong Afghan-Sino, at walang humpay na natatamo ng kooperasyon ng dalawang bansa ang positibong bunga. Pinasasalamatan aniya ng kanyang bansa ang ibinibigay na tulong at pagkatig ng Tsina sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Afghanistan.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>