Pinagtibay nitong Huwebes, Disyembre 20 ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA) ang resolusyon, kung saan binigyan ng katayuan bilang tagamasid ng UNGA ang Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB).
Ang AIIB na nakabase sa Beijing ay kasalukuyang binubuo ng 93 kasapi na kinabibilangan ng Pilipinas.
Sa hiwalay na resolusyon, binigyan din ng parehong katayuan ng UNGA ang New Development Bank (NDB). Ang NDB ay itinatag ng grupong BRICS na kinabibilangan ng Brazil, Rusya, India, Tsina, at South Africa.
Salin: Jade
Pulido: Mac