Ipinahayag Disyembre 20, 2018 sa Beijing ni Jin Liqun, Presidente ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) na nitong tatlong taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng bangko, umabot sa 93 ang bilang nitong miyembro. Aniya, mahigit 7.5 bilyong dolyares ang inilaan sa mga pinapasang proyektong pangkooperasyon sa 13 bansang Asyano at Aprikano, sa langangan ng transportasyon, enerhiya, telekomunikasyon, konstruksyon ng kalunsuran, at iba pa.
Ipinahayag niyang ang pagbuo ng AIIB ay hindi lamang nagsisilbing mahalagang resulta ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, kundi maging konstruktibong hakbang ng Tsina para tupdin ang mas maraming international na responsibilidad, pasulungin ang pagpapabuti ng sistemang pangkabuhayan, at ibigay ang international na serbisyong pampubliko. Positibo aniya ang komunidad ng daigdig sa operasyon ng AIIB.
Dagdag pa niya, patuloy na mapapalaki ng AIIB ang suporta sa mga proyekto ng Belt and Road.