Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, ipinauuna ang pagpapaunlad ng agrikultura at kanayunan

(GMT+08:00) 2019-01-03 17:12:21       CRI
Idinaos kamakailan ang Pambansang Pulong ng mga Gawain ng Kanayunan ng Tsina, at nagpokus ito sa mga tungkulin hinggil sa agrikultura, kanayunan at mga magsasaka. Ayon sa mga opisyal at dalubhasa na binigyan-diin sa pulong ang pagpapa-una ng Tsina sa pagpapaunlad ng agrikultura at kanayunan, at pagharap ng bagong kahilingan sa reporma at pag-unlad ng kanayunan, batay sa pagbabago ng kapaligiran sa loob at labas ng bansa.

Iniharap din sa nasabing pulong na dapat palalimin ng Tsina ang pagsasagawa ng estratehiya ng pag-ahon ng kanayunan, at ang pagpawi ng karalitaan. Ang mga ito ay saligang tungkulin para sa komprehensibong pagsasakatuparan ng target ng pagtatayo ng lipunang may kaginhawahang lipunan ng Tsina, ayon pa sa pulong.

Tungkol dito, iniharap ni Hang Changfu, Ministro ng Agrikultura at Kanayunan ng Tsina ang mga priyoridad para sa pagpawi ng karalitaan sa 2019.

Aniya, dapat pasulungin ang pagbibigay-tulong sa mahihirap sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga may kinalamang industriya, gawing pokus ang mga pinakamahirap na rehiyon at populasyon, paunlarin ang bagong ekonomiya.

Ayon sa plano ng nasabing pulong, ang iba pang mga tungkulin ay kinabibilangan ng pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhay ng kanayunan, garantiya ng mabisang pagkakaloob ng butil at pangunahing produktong agrikultural, ibayo pang pagpapalalim ng reporma ng sistema ng lupa, at pagpapalakas ng konstruksyon ng imprastruktura sa kanayunan.

Salin:Lele

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>