Ipinahayag Enero 3, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palaging pinahahalagahan ng Tsina ang pakikipagtulungan sa Unyon ng mga Bansang Aprikano (AL). Aniya, nasa balikat ng Ehipto ang papel ng tagapangulong bansa ng AL, at nakahanda ang Tsina, na pahigpitin ang pakikipagpalitan sa Ehipto. Aniya pa, magkasamang magsisikap ang dalawang panig para pasulungin ang kapayapaan at kaunlaran ng Aprika.
Nang kapanayamin ng media kamakailan, ipinahayag ni Mohamed Osama Taha Al Majdoub, Embahador ng Ehipto sa Tsina, na bilang bagong tagapangulong bansa ng AL, nakahanda ang kanyang bansa na palakasin ang pakikipagtulungan sa Tsina sa ibat-ibang larangang kapuwa nila pinahahalagahan.