Sa pag-uusap Biyernes, Enero 4, 2019, sa Addis Ababa, punong himpilan ng Unyong Aprikano (AU), nina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Moussa Faki, Pangulo ng AU Commission, bumati ang huli sa matagumpay na paglapag ng Chang'e-4 probe sa buwan.
Sinabi ni Faki na sa pamamagitan ng sulong na kakayahang pansiyensiya't panteknolohiya, matagumpay na naisakatuparan ng Tsina ang aktibidad ng paglapag sa buwan na nakalikha ng kasaysayan. Aniya, bilang kaibigan ng Tsina, umaasa ang Aprika na mapapalakas ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa larangang pansiyensiya't panteknolohiya sa hinaharap.
Salin: Li Feng