Ayon sa datos na ipinalabas Enero 14, 2019, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng bansa ay umabot sa 30.51 trilyong yuan RMB. Lumaki ito ng 9.7% kumpara sa tinalikdang taon, at ito ay lumikha ng rekord sa kasaysayan. Samantala, ang halaga ng pagluluwas ay umabot sa 16.42 trilyong yuan RMB, na lumaki ng 7.1% kumpara sa taong 2017. Sa kabilang dako, ang halaga ng pag-aangkat ay umabot sa 14.09 trilyong yuan RMB, na umakyat ng 12.9% kumpara sa tinalikdang taon.
Ayon sa ulat, noong 2018, ang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa mga bansang kasali sa Belt and Road Initiative (BRI) ay lumaki ng 13.3%.
salin:Lele