Ayon sa Adwana ng Kunming, punong lunsod ng probinsyang Yunnan ng Tsina, umabot sa 197.3 bilyong RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng probinsya noong 2018. Ito ay mas malaki ng 24.7% kumpara sa taong 2017 na naging bagong rekord sa kasaysayan, anito pa. Kabilang dito, nananatiling mabilis ang paglaki ng kalakalan ng Yunnan at mga bansa sa kahabaan ng "Belt and Road." Umabot din anito sa halos 133.2 bilyong RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas na lumaki ng 30.3%.
Bukod dito, noong isang taon, halos 84.8 bilyong RMB ang halaga ng pagluluwas ng Yunnan na lumaki ng 9.4%. Samantala, mahigit 112.5 bilyong RMB naman ang halaga ng pag-aangkat na lumaki ng 39.3%.
Salin: Li Feng