Isang grupong pansining mula sa Hilagang Korea (DPRK) ang nakatakdang dumalaw at magtanghal sa Tsina sa darating na Miyerkules, Enero 23.
Ang nasabing grupo ay pinamumunuan ni Ri Su Yong, miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Workers' Party of Korea (WPK), at Pangalawang Tagapangulo ng Komite Sentral WPK, at International Department ng WPK ng Hilagang Korea.
Ang pagdalaw ay gagawin sa paanyaya ng International Department ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Ang mga mananayaw habang nagtatanghal sa Pyongyang Indoor Stadium, noong Setyembre 8, 2018, sa bisperas ng ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng DPRK. [Photo credit: VCG]
Salin: Jade
Pulido: Rhio