Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagsisikap ng Venezuela sa pangangalaga sa soberanya, suportado ng Tsina

(GMT+08:00) 2019-01-25 12:00:05       CRI

Nanumpa Enero 23, 2019 si Juan Guaido, Presidente ng National Assembly ng Venezuela upang manungkulan bilang "pamsamantalang pangulo" ng bansa. Nang araw ring iyon, ipinahayag ang pagtanggap sa kanyang panunungkulan ng mga bansang kinabibilangan ng Estados Unidos at Brazil. Samantala, ipinahayag ng Supreme Court ng Venezuela na ito ay labag sa konstitusyon ng bansa. Ipinatalastas din ni Pangulong Nicholas Maduro ng Venezuela ang pagputol sa relasyong diplomatiko sa Estados Unidos.

Nang sagutin ang tanong ng mga mamamahayag hinggil dito, ipinahayag Enero 24, 2019 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na suportado ng Tsina ang pagsisikap ng pamahalaan ng Venezuela para pangalagaan ang soberanya, kasarinlan at katatagan ng bansa. Tinututulan aniya ng Tsina ang pakikialam ng ibang bansa sa mga suliraning panloob ng Venezuela. Umaasa rin aniya siyang lilikha ng mainam na kondisyon ang komunidad ng daigdig para pasulungin ang pagsasakatuparan ng katatagan ng Venezuela.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>