Idinaos Enero 29, 2019 ang resepsyong Pambagong Taon ng Tsina sa Pambansang Asembleya ng Pransya. Ito ay magkasanib na pinanguluhan nina Zhai Jun, Embahador ng Tsina sa Pransya at Richard Ferrand, Tagapangulo ng Pambansang Asembleya ng Pransya. Nilahukan ito ng mahigit 400 kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng Tsina at Pransya.
Ang taong 2019 ay ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya. Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Zhai na mula noon hanggang ngayon, ang pagkakaibigan ng dalawang bansa ay batay sa magkahawig na pananaw sa daigdig at ang magkasamang pangangalaga sa mutilateralismo ay komong misyon ng dalawang bansa.
Sinang-ayunan ito ni Ferrand, aniya, ang matibay na pundasyong panghinaharap ay inilatag nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Pransya, 55 tao na nakalipas.
Salni:Lele