Sa ngalan ng pamahalaang Tsino, ipinahayag nitong Lunes, Pebrero 4, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) ang mariing pagtutol sa mercenary activities sa Aprika. Ipinahayag din niya ang walang-humpay na suporta ng Tsina sa pagsisikap ng mga bansang Aprikano para sa kapayapaan at kasaganaan.
Sa bukas na debatehan ng UN Security Council (UNSC) hinggil sa mercenary activities sa Aprika, diin ni Ma, ang mga mercenary activities ay nagsisilbing banta sa kapayapaan ng mga bansang Aprikano. Hiniling din niya ng ibayo pang pagsisikap ng komunidad ng daigdig para malutas ang nasabing problema.
Ang naturang debatehan ay idinaos sa kahilingan ng Equatorial Guinea, bansang pangulo ng UNSC sa buwang ito.
Salin: Jade
Pulido: Mac