Ipinahayag ngayong araw ng Tsina na nananatiling normal ang pangingisda ng mga mangingisdang Tsino't Pilipino sa South China Sea, at ito ay taliwas sa ulat ng Amerika, na di-umano'y kinukubkob ng Tsina ang isang bahagi ng nasabing karagatan.
Winika ito ng Ministring Panlabas ng Tsina sa isang nakasulat na pahayag, bilang pagkondena sa walang batayang ulat sa website ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), proyekto na nasa ilalim ng Center for Strategic and International Studies (CSIS), think tank na nakabase sa Washington D.C.
Ayon sa ulat ng AMTI, isinasagawa ng Pilipinas ang reclamation sa saklaw na mahigit 32,000 kilometro kuwadrado sa hilaga ng causeway ng Zhongye Island. Samantala, ang panig Tsino ay nagpadala ng mga bapor pangisda, bapor ng coast guard at bapor ng hukbong pandagat, mula sa Zhubi Reef para kubkubin ang Zhongye Island.
Diin ng panig Tsino, tangka ng nasabing ulat Amerikano na pinsalain ang matatag at mapayapang ugnayang Sino-Pilipino at kalagayan sa South China Sea.
Inulit din ng Tsina ang soberanya sa Nansha Islands na kinabibilangan ng Zhongye Island at Zhubi Reef.
Salin: Jade
Pulido: Rhio