Ipinahayag Pebrero 18, 2019, ng namamahalang tauhan ng tanggapan ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area na ang konstruksyon ng rehiyong ito ay pambansang estratehiya, at ito ay bagong paraan ng pagsasakatuparan ng prinsipyong "Isang bansa, dalawang sistema." Ipinalabas na ng Tsina ang Outline ng Plano ng Pag-unlad ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.
Binigyan-diin niyang aktibong tutupdin ang tungkulin ng tanggapan, isasagawa ang prinsipyong "Isang bansa, dalawang sistema," "pamamahala ng mga taga-HK sa HK," at "pamamahala ng mga taga- Macao sa Macao," mahigpit na susundin ang konstitusyon at saligang batas para maghahangad ng kapakinabangan para sa mga mamamayan.
Salin:Lele