Ipinangako ng pamahalaang Tsino na patuloy na hihilingin sa mga bahay-kalakal na ari ng estado o sentral na SOE ng bansa na magbayad ng kanilang overdue debt sa mga pribadong kompanya, bago mag-Hunyo, 2019. Sa gayon, malilikha ang mas magandang kapaligirang pangnegosyo para sa mga pribadong bahay-kalakal.
Winika ito ni Wang Yong, Kasangguni ng Estado sa isang may kinalamang pambansang teleconference, nitong Martes, Pebrero 26.
Hanggang katapusan ng nagdaang Enero, nakapagbayad na ng kabuuang halagang 820 milyong yuan RMB na overdue wage ang mga sentral na SOE sa mga manggagawa mula sa kanayunan o rural migrant workers. Samantala, nagbayad din sila ng 83.9 bilyong yuan na overdue debt sa mga pribadong kompanya, at ang halaga ay katumbas ng 75% ng kabuuang lampas sa taning na utang.
Noong Nobyembre 2018, hiniling ng Konseho ng Estado, Gabinete ng Tsina sa mga sentral na SOE na bayaran ang kanilang utang sa mga pribadong kompanya at migrant worker.
Salin: Jade
Pulido: Rhio