Ayon sa impormasyong isinapubliko ng Ethiopian Airlines, isang eroplanong may lunang 149 pasahero at 8 crew ang bumagsak Marso 10, 2019. Kabilang sa mga ito ang 7-tagamainland at 1 taga-Hongkong. Hinggil dito, ipinahayag nang araw ring iyon ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pakikiramay sa pamilya ng mga biktima. Sinabi ni Lu na patuloy na susubaybayan ng Ministring Panlabas at Embahada ng Tsina sa Ethiopia ang pag-unlad ng kalagayan, at sisikaping magbigay-tulong sa mga pamilya ng mga biktimang Tsino para sa mga may-kinalamang bagay.