Ipinahayag Marso 11, 2019, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pagtanggap ng Tsina sa paglahok ng Italya sa Belt and Road Initiative (BRI).
Ayon sa ulat, sinabi kamakailan ni Giuseppe Conte, Punong Ministro ng Italya na ang paglahok sa BRI ay pagkakataon at estratehikong pagpili ng Italya. Ipinahayag ni Conte na ang paglahok sa BRI ay hindi nangangahulugang mapipilitan itong gumawa ng anuman, kundi mabibigyang pagkakataon na lumahok at makasama sa mga diyalogo.
Ani Lu, mainam ang relasyon ng Italya at Tsina, at mabunga ang kooperasyon ng dalalwang panig nitong ilang taong nakalipas. Ito aniya ay nagbibigay ng aktuwal na ambag para sa pag-unlad ng kabuhayan ng isa't isa.
Salin:Lele