Ipinahayag Marso 11, 2019 ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na bumagsak kamakalawa, Marso 10 ang eroplanong pampasahero ng Ethiopian Airlines, at nasawi ang 157 ng mga pasahero sa eroplano na kinabibilangan ng walong mamamayang Tsino. Aniya, ikinalulungkot ng lahat ang insidenteng ito. Nagpadala ng mensahe ang mga lider Tsinong kinabibilangan ni Pangulong Xi Jinping sa mga lider ng Ethiopia at Kenya.
Sinabi ni Lu na ang 8 biktimang Tsino ay kinabibilangan ng 4 na kawani mula sa Chinese companies, 2 UN staff, at 2 iba pa ay mula sa lalawigang Liaoning at Zhejing, para sa pribadong paglalakbay.