Nakatakdang ipinid bukas ng umaga sa Beijing ang ika-2 sesyon ng ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng bansa. Pagkaraan ng seremonya ng pagpipinid, haharap si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan kaugnay ng mga tampok ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Magsasagawa ang China Media Group (CMG) ng live broadcast hinggil dito sa wikang Tsino at Ingles, sa pamamagitan ng iba't ibang wika at iba't ibang plataporma na gaya ng website, Facebook, at mga APP na tulad ng ChinaNews, ChinaRadio, ChinaTV, at China Plus.
Mababasa rin ang mga may kinalamang pinakasariwang balita sa wikang Filipino sa mga website at Facebook page ng CMG-CRI Filipino Service.
Salin: Jade
Pulido: Mac