Sa pagharap sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, ngayong araw, Biyernes, ika-14 ng Marso 2019, sa Beijing, sinabi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa kasalukuyang kalagayang lumalala ang proteksyonismong pangkalakalan, ang pagtatatag ng malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea ay makakabuti sa lahat ng tatlong panig.
Dagdag ni Li, kailangang ilakip ang paksa ng pagpapasulong sa pagtatatag ng naturang malayang sonang pangkalakalan sa summit ng tatlong bansa na idaraos sa taong ito. Sinabi rin niyang, sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina, Hapon, at Timog Korea at Regional Comprehensive Economic Partnership, kahit alinman ang mararating muna, positibo ang panig Tsino sa resultang ito.
Salin: Liu Kai