Sa 2019, babawasan ng Tsina nang isa pang percentage point ang gastos ng mga pribadong bahay-kalakal, lalo na ng maliit at micro na kompanya sa paghiram ng utang mula sa mga inistitusyong pinansyal.
Ito ang ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang pagharap sa mga mamamahayag na Tsino't dayunan, pagkaraan ng pagpipinid ng 10 araw na pambansang taunang sesyong lehislatibo.
Diin ni Li, ang mga pribadong kompanya ay napakahalagang pinanggagalingan ng kasiglahan ng pambansang kabuhayan.
Salin: Jade
Pulido: Mac