Nangako ngayong araw si Premyer Li Keqiang ng Tsina na patuloy na pabubutihin ng bansa ang kapaligirang pang-negosyo para sa mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan, batay sa pangangailangan ng pamilihan at pagpapatupad sa mga batas at alituntunin.
Ayon sa pinakahuling Doing Bussiness Report ng World Bank Group, noong 2018, naitala ang Tsina sa ika-46 na puwesto sa lahat ng 190 ekonomiya, mula sa ika-78 puwesto noong 2017.
Pangako rin ni Premyer Li na titiyakin ang pantay na pagpasok sa pamilihan ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan at isasagawa ang makatwirang pagsusuperbisa sa mga ito. Ibayo pang babawasan at padadaliin din ng pamahalaang Tsino ang mga administratibong pag-apruba.
Salin: Jade
Pulido: Mac