|
||||||||
|
||
Idinaos nitong Miyerkules, Marso 20 ang Diyalogo ng Media ng Tsina't Italya na nagtatampok sa Belt and Road Initiative (BRI) at kooperasyong pang-media.
Ito ay bahagi ng serye ng mga aktibidad na ginanap sa bisperas ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Italya na nakatakdang simulan ngayong araw. Ang nasabing aktibidad ay nasa pagtataguyod ng China Media Group (CMG), kasama ng Economic Daily ng Tsina, media group ng Italya na Class Editori, at diyariyong Italyanong Il Sole 24 Ore.
Lumahok sa diyalogo ang mahigit 200 kinatawan mula sa iba't ibang media, kasama ng mga dalubhasa ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga nagtalumpati ay sina; Li Ruiyu, Ambahador ng Tsina sa Italya; Du Zhanyuan, Direktor Heneral ng Chinese Foreign Languages Publishing Administration; Vito Claudio Crimi, Kalihim ng Estado sa Impormasyon, Komunikasyon at Paglilimbag ng Tanggapan ng Punong Ministro; at Michele Geraci, Pangalawang Ministro ng Kaunlarang Ekonomiko ng Italya.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Jiang Jianguo, Pangalawang Puno ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, ang kaniyang pananalig na ang pagdalaw ni Xi sa Italya at ang mararating komong palagay ng dalawang bansa ay magdudulot ng mas maraming kooperasyon sa ilalim ng BRI at mas maraming pagkakataon para sa pagpapalitan at pragmatikong pagtutulungan ng mga media ng Tsina't Italya.
Si Jiang Jianguo
Si Vito Claudio Crimi
Si Li Ruiyu
Mga kinatawan mula sa iba't ibang media organization ng Tsina't Italya sa diyalogo
Sinabi naman ng mga kinatawan ng media ng Italya ang dalaw na pang-estado ni Xi ay magbubuhos ng malakas na kasiglahan sa komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at napakali ng potensyal ng pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng media at iba pa, sa magkasamang pagpapasulong ng BRI para sa komong kasaganaan.
Pinasinayaan din sa sidelines ng diyalogo ang isang mobile APP ng China Media Group na nagtatampok sa pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang bansa.
Pasinaya ng APP ng CMG
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |