Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina't Pransya, nananangan sa komong paninindigan sa pangangasiwa at pagtutulungang pandaigdig

(GMT+08:00) 2019-03-27 09:30:59       CRI

Sa panahon ng pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Pransya nitong linggo, isang lansangang libu-libong milya ang layo ang naging mainit na paksa ng diskusyon. Ito ang No. 1 National Highway sa Republic of Congo na natapos ilatag noong 2016, at nag-uugnay ng Pointe-Noire, economic hub at Brazzaville, kabisera ng bansa. Bunga nito, anim na oras na naging mas mabilis ang biyahe sa pagitan ng nasabing dalawang siyudad. Ang naturang proyekto na nasa magkasamang pagtataguyod ng State Construction Engineering Corporation ng Tsina at Egis, engineering group ng Pransya, ay isa sa mga halimbawa ng matagumpay na pagtutulungang Sino-Pranses sa ikatlong bansa.

Bilang dalawang permanenteng miyembro ng United Nations Security Council (UNSC) at pangunahing ekonomiya, ang Tsina at Pransya ay may matibay na pundasyon para sa kooperasyon sa pangangasiwa sa daigdig sa iba't ibang isyu.

Halimbawa, kaugnay ng pandaigdig na pangangasiwa sa pagbabago ng klima, gumaganap ng aktibong papel ang Pransya sa pagpapasulong ng pagtatamo ng bunga. Napakahalaga rin ng pagkatig ng Tsina hinggil dito. Ayon sa mga tagapag-analisa, makaraang umurong sa Paris Agreement ang Estados Unidos, kung uurong din ang Tsina alang-alang sa sariling pambansang interes na pangkabuhayan, magmimistulang basurang papel ang kasunduan.

Samantala, bilang napakalaking ambag ng Tsina para sa pandaigdig na pangangasiwa at pagtutulungan, iniharap ng Tsina ang Belt and Road Initiative (BRI) para sa komong kasaganaan. Bilang suporta, sinabi ni Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya na dadalo ang kanyang bansa sa ikalawang Belt and Road Forum for International Cooperation na gaganapin sa Beijing sa darating na Abril.

Tungkol naman sa isyung nuklear ng Iran, makaraang umurong ang Amerika sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuclear Deal noong 2018, kapuwa ipinangako ng Tsina't Pransya, kasama ng Britanya, Rusya, Alemanya at Unyong Europeo, ang pananangan sa nasabing kasunduan.

Ang estratehikong kooperasyon sa pagitan ng Tsina't Pransya ay gumaganap ng napakahalagang papel sa pagpapanatili ng kaayusang pandaigdig. Sa kanyang tweet makaraang salubungin si Pangulong Xi sa Nice, Pransya, ganito ang komento ni Pangulong Macron, sa pagdalaw ng pangulong Tsino sa okasyon ng ika-55 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa: "Pasusulungin ng pagdalaw na ito ang estratehikong partnership ng dalawang bansa at ang pag-unlad ng papel ng Pransya, Tsina at Europa patungo sa malakas na multilateralismo."

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>