Ipinahayag Abril 2, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na matatag na kumakatig ang Tsina sa anumang pagsisikap at aksyong makakabuti sa paghupa ng tensyon, at magsusulong sa pulitikal na kalutasan ng isyu ng Korean Peninsula.
Sinabi ni Geng na umaasa ang Tsinang pahahalagahan at pangangalagaan ng iba't ibang panig ang tunguhin ng diyalogo, at patuloy na ipapakita ang katapatan, kagandahang-loob at pagtitiwalaan, at nang sa gayo'y, mapasulong ang sustenable at matatag na progreso ng pulitikal na kalutasan ng nasabing isyu.
Salin:Lele