Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

PM Malay, bumati sa ika-60 anibersaryo ng pagsasahimpapawid ng Malay Service ng CMG

(GMT+08:00) 2019-04-08 17:12:38       CRI

Sa panayam ngayong araw, Lunes, ika-8 ng Abril 2019, sa Kuala Lumpur, sinulat ni Punong Ministro Mahathir Mohamad ang mensahe, bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagsasahimpapawid ng Malay Service ng China Media Group (CMG).

Sinabi ni Mahathir, na ang serbisyong ito ay nakakatulong sa pagkakaroon ng impormasyon ng mga mamamayang Malay tungkol sa Tsina, sa pamamagitan ng mas direktang paraan.

Kaugnay naman ng programang magkasanib na ginagawa ng CMG at Bernama Radio ng Malaysian National News Agency, ipinahayag ni Mahathir, na ang programang ito ay tulay ng pag-uunawaan para sa mga mamamayan ng Malaysia at Tsina.

Sinimulan noong Marso 1, 1959 ang pagsasahimpapawid ng Malay Service ng CMG. Simula naman noong 2016, ini-eere araw-araw ang 2-oras na programang magkasanib na ginawa ng serbisyong ito at Bernama Radio.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>