Ipinadala ngayong araw, Martes, ika-9 ng Abril 2019, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa China-Africa Institute, na naitatag sa araw na ito.
Tinukoy ni Xi, na ang pagpapalalim ng Tsina at Aprika ng tradisyonal na pagkakaibigan, pagpapalakas ng pagpapalitan at pagtutulungan, at pagpapasulong ng pag-aaral sa isa't isa ay hindi lamang makakabuti sa mga mamamayan ng dalawang panig, kundi magbibigay din ng ambag para sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig.
Sinabi rin ni Xi, na ang pagtatatag ng China-Africa Institute ay isa sa mga hakbangin ng pagpapalakas ng pagpapalitan ng mga mamamayan, na ipinasiya ng Tsina at Aprika sa Forum on China-Africa Cooperation Beijing Summit na idinaos noong isang taon. Umaasa aniya siyang, titipunin ng institutong ito ang mga yamang akademiko ng dalawang panig, daragdagan ang pag-uunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng Tsina at Aprika, at ihaharap ang mga mabuting mungkahi para sa kooperasyong Sino-Aprikano.
Salin: Liu Kai