Ayon sa datos na inilabas Biyernes, Abril 12, 2019 ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong unang kuwarter ng taong ito, 7.01 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ito ay lumaki ng 3.7% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Patuloy na nananatiling matatag sa kabuuan, at may paglago ang tunguhin ng kalakalang panlabas.
Noong unang kuwarter, ang Unyong Europeo (EU), Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at Amerika ay nagsilbi pa ring unang tatlong pinakamalaking trade partner ng Tsina. Kasabay nito, naging mas madalas ang pakikipag-ugnayan ng Tsina sa mga bagong-sibol na pamilihan. Kabilang dito, umabot sa 7% at 4.6% ang pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina sa Latin Amerika at Aprika, at ito ay lumaki ng 0.7% at 0.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon, ayon sa pagkakasunod.
Salin: Vera