Ipinahayag sa Beijing Lunes, Enero 14, 2019, ni Li Kuiwen, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, na noong isang taon, naging matatag sa kabuuan ang kalakalang panlabas ng Tsina, at nakalikha ang saklaw ng pag-aangkat at pagluluwas ng bagong rekord sa kasaysayan. Aniya, may pag-asang mananatiling pinakamalaking bansa ang Tsina sa kalakalan sa buong daigdig. Sa kasalukuyang taon, posibleng itataas ang kalidad ng pag-unlad ng kalakalang panlabas ng bansa.
Ayon sa datos na isinapubliko ng panig opisyal ng Tsina, noong isang taon, umabot sa 30.51 trilyong RMB ang kabuuang halaga ng pag-aangkat at pagluluwas ng kalakalang panlabas ng Tsina na naging bagong rekord sa kasaysayan. Ito ay mas malaki ng 9.7% kumpara sa taong 2017. Kabilang dito, 16.42 trilyong RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas na lumaki ng 7.1%, at 14.09 trilyong RMB naman ang kabuuang halaga ng pag-aangkat na lumaki ng 12.9%.
Kasabay nito, patuloy na bumubuti ang estrukturang pangkalakalan ng Tsina. Ipinalalagay ni Li na ito ay salamat sa pagbuti ng kapaligirang pangnegosyo ng bansa.
Salin: Li Feng