
Ayon sa pinakahuling ulat ng "Imbestigasyon sa Kabuhayang Tsino" na inilabas sa Beijing nitong Martes, Abril 16, 2019, ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), tinataya nitong sa kasalukuyan at susunod na taon, pananatilihin ng kabuhayang Tsino ang mahigit 6% paglaki na mananatiling pangunahing puwersang tagapagpasulong sa paglaki ng kabuhayang daigdig.
Ipinahayag ni Ludger Schuknecht, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng OECD, na kasalukuyang nasa crossroad ang Tsina kung saan kinakaharap nito ang mahigpit na hamong panloob at panlabas. Aniya, ang mga binabalangkas na patakaran ng Tsina ay dapat igarantiya ang mas mabuting operasyon ng kabuhayan para maisakatuparan ang matatag at komprehensibong paglaki nito.
Salin: Li Feng