Ang Dongxing City ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ay siyang tanging lunsod sa Tsina na konektado ng lupa at dagat sa mga bansang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ang Dongxing at Mong Gai City sa kahilagaan ng Biyetnam ay inihihiwalay sa pamamagitan ng isang ilog. Noong ika-19 ng Marso, pormal na naisaoperasyon ang ika-2 Beilun River Bridge sa pagitan ng nasabing dalawang lunsod, bagay na mabisang nagpadali sa proseso ng customs clearance ng unang Beilun River Bridge, at nagpabuti ng kalagayan ng transportasyon sa puwerto.
Sa kasalukuyan, ang ika-2 Beilun River Bridge ay para sa customs clearance ng mga inaangkat at iniluluwas na paninda, at ang unang Beilun River Bridge naman ay para sa pagpasok-labas ng mga mamamayan sa purok-hanggahan ng dalawang bansa at mga turista.
Ang pagsasaoperasyon ng ika-2 tulay ay makakapagpasulong sa konstruksyon ng sona ng transnasyonal na kooperasyong pangkabuhayan ng Tsina at Biyetnam, at makakapagpatingkad din ng mahalagang papel para sa konstruksyon ng bagong tsanel na panlupa't pandagat, at pagpapalakas ng konektibidad ng Tsina at Biyetnam, maging ng mga bansang ASEAN.
Salin: Vera