Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Papel ng Internet sa pagpapasulong ng pambansang kaunlaran, pinahahalagahan ng pangulong Tsino

(GMT+08:00) 2019-04-19 12:06:10       CRI

Ngayong araw ay ikatlong anibersaryo ng pagdaos ng Tsina ng pambansang komperensya hinggil sa cybersecurity at informatization, na pinanguhulan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Kabilang sa mga tampok ng nasabing komperensya ay cybersphere ng Tsina, mga nukleong teknolohiya at pagpapasulong ng pambansang kaunlaran sa pamamagitan ng Internet at impormatisasyon.

Si Xi sa pambansang komperensya hinggil sa cybersecurity at informatization noong Abril 19, 2016

Nitong tatlong taong nakalipas, batay sa naturang pulong, ipinatupad ang serye ng estratehiya at hakbang ng pamahalaang Tsino hinggil sa impormatisasyon at cybersecurity.

Kasabay ng mga pambansang kampanya ng Internet Plus, walang humpay na tumataas ang bahagdan ng information economy sa Gross Domestic Product (GDP). Kasabay nito, lumalalim ang pag-uugnayan at pagsasama ng pag-unlad ng Internet at real economy. Ang impormatisasyon ay nagpapasulong ng agos ng pondo, talento at paninda, bagay na nagbabago sa pamamaraan ng pag-unlad at bumubuti ang estrukturang pangkabuhayan ng bansa.

Hanggang sa kasalukuyan, lumampas na sa 829 milyon ang bilang ng mga netizen ng Tsina. Tulad ng sabi ni Xi sa nasabing pulong, bunga ng lumalaking bilang ng mga Internet user ng bansa, mas maraming opinyong publiko ang mababasa on-line. Karapat-dapat na pakinggan ang mga ito, puri man o puna, ng pamahalaang Tsino, diin ni Xi.

Sa pulong, hinimok din ni Xi ang mga alagad ng agham at mangangalakal na Tsino na magtamo ng breakthrough sa mga nukleong teknolohiya na may kinalaman sa Internet at impormatisasyon. Hinikayat din niya ang mga bahay-kalakal ng information technology (IT) na Tsino na pahigpitin ang pakikipagpapalitan at pakikipagtulungang pandaigdig. Mainit na tinatanggap aniya ng Tsina ang pamumuhunan sa Tsina ng mga bahay-kalakalal na dayuhan.

Bukod dito, hiniling din ni Xi sa mga IT at Internet company ng Tsina na tupdin ang social responsibility at magdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>