Idinaos ngayong araw, Abril 30 sa Beijing ang maringal na seremonya bilang paggunita sa ika-100 anibersaryo ng pagkakaganap ng May Fourth Movement ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa nasabing pagtitipun-tipon, ipinahayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang mga kabataan ay palaging nananatiling nangungunang lakas para sa pag-ahon ng nasyong Tsino. Hiniling niya sa mga kabataang Tsino na magkaroon ng matayog na hangaring isakatuparan, kasama ng mga kababayang Tsino, ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino. Diin ni Xi, ang pagbubukod sa pangangailangan ng inang-bayan at kapakanan ng mga mamamayan ay mauuwi lamang sa makitid na pagpapahalaga sa sariling interes.
Salin: Jade
Pulido: Mac