Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping at mga estudyanteng Lao, nagpalitan ng liham

(GMT+08:00) 2019-05-01 14:22:31       CRI
Nagpalitan kamakailan ng liham si Pangulong Xi Jinping ng Tsina at mga guro at estudyante ng Nongping Primary School ng Laos.

Sa kanilang liham, ipinahayag ng mga guro at estudyanteng Lao ang pasasalamat kay Xi para sa kanyang pagharap ng Belt and Road Initiative, kung saan pinag-uugnayan ang mga pangarap ng mga mamamayang Lao at Tsino. Umaasa rin anila silang matatapos sa lalong madaling panahon ang konstruksyon ng China-Laos Railway na inilalatag sa kasalukuyan.

Sa liham naman bilang sagot, sinabi ni Xi, na ang nukleong target ng Belt and Road Initiative ay pagsasakatuparan ng komong pag-unald at pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ng iba't ibang bansa. Ani Xi, ang pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at Laos sa mga larangang may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan at sa ilalim ng Belt and Road Initiative ay mahalagang bahagi ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan na itinatatag ng dalawang bansa. Umaasa rin aniya siyang palalakasin ng Tsina at Laos ang kooperasyon, para isagawa ang mas maraming proyekto ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga Lao.

Ang Nongping Primary School ay itinayo noong 2012 sa ilalim ng tulong ng China Foundation for Peace and Development. Ipinadala rin ng panig Tsino ang mga boluntaryong guro at ipinagkaloob ang mga tulong na materyal sa paaralang ito. Kamakailan, lumahok ang mga kinatawan ng paaralang ito sa Ika-2 Belt and Road Forum for International Cooperation, at dinala nila sa Beijing ang naturang liham kay Pangulong Xi, at isang album ng mga pinturang ginawa ng mga estudyante hinggil sa kani-kanilang kuwentong may kinalaman sa Belt and Road.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>