Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Kabuluhan ng pamilya, sa mata ni Xi

(GMT+08:00) 2019-05-13 17:34:57       CRI
Apat na litrato

Apat na litrato ang kapansin-pansin sa istante ng mga aklat ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Nakatala sa mga ito ang matatamis na sandali ni Xi, kasama kanyang mga magulang, asawa, at anak.

Ang kaligayahan at pagsasama-sama ay hangarin ng libu-libong pamilya, at ito rin ang pinagsusumikapan ng puno ng estado.

Noong 2001, dahil sa mahigpit na iskedyul ng trabaho, hindi nakalahok si Xi sa ika-88 kaarawan ng kanyang tatay na si Xi Zhongxu. Sinulatan niya ang tatay ng isang liham na pambati, kung saan mababasa ang kanyang pagsisisi at pasasalamat sa tatay.

Si Xi habang namamasyal, kasama ang kanyang nanay

Si Xi, kasama ang kanyang tatay (naka-wheel chair), asawa (sa dulong kaliwa), at anak

Ani Xi, mga mahigit sampung taon habang nakabase siya sa lalawigang Zhejiang at nanunungkulan bilang Party Secretary General ng lalawigan, araw-araw tumatawag siya sa kanyang asawa na si Peng Liyuan.

Si

 

Xi at kanyang asawang si Peng Liyuan sa Islang Dongshan, lalawigang Fujian sa dakong timog ng Tsina

Si Xi habang nagbibisikleta habang angkas ang kanyang anak

Pamilya at kultura ng pamilya

Sa iba't ibang okasyon, ipinahayag ni Xi ang pagpapahalaga sa pamilya at kalinangan ng pamilya, dahil sa tingin niya, ang mga pamilya ay pundasyon ng pambansang kaunlaran at harmonyang panlipunan.

Noong Disyembre 12, 2016, sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawan ng huwarang pamilya ng bansa, sinabi ni Xi na ang pag-aalaga sa matatanda, pag-aaruga sa mga bata, paggagalangan ng mga mag-asawa, pagmamahal ng mga magulang sa anak kasabay ng pagbibigay-galang ng anak sa mga magulang, pagmamahalan ng mga kapatid, pagpapahalaga at pagsasalin ng pagsasaka at karunungan, pagtitipid, pagsunod sa mga alituntunin, at iba pa ay tradisyonal na kapuri-puring katangian ng nasyong Tsino at naitanim sa isip at diwa ng mga Tsino.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>