Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pahayag ng Ministri ng Komersyo ng Tsina tungkol sa reaksyon ng Amerika sa white paper ng Tsina kaugnay ng China-US trade talks

(GMT+08:00) 2019-06-05 11:14:10       CRI

Inilabas Lunes, Hunyo 3, 2019 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang pahayag hinggil sa white paper ng paninindigan ng Tsina sa pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan sa Amerika. Kaugnay nito, ipinahayag Martes ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sa kabila ng mga multilateral na alituntunin ng kalakalan, madalas na isinasagawa ng panig Amerikano ang mga hakbangin ng unilateralismo at proteksyonismo, sa katuwiran ng trade deficit. Anang tagapagsalita, inilunsad din ng Amerika ang alitan sa kabuhaya't kalakalan laban sa Tsina, at sapilitang ipinataw sa Tsina ang sariling kahilingan sa kapakanan, sa proseso ng pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan. Ito aniya ay klasikal na trade hegemonism. Anito pa, ang kilos ng panig Amerikano ay nagbunga ng kapinsalaan sa dalawang bansa, maging ng buong daigdig, at ang may ganap na kagagawan nito ay ang panig Amerikano.

Dagdag ng nasabing tagapagsalita, sa mula't mula pa'y pinapasulong ng panig Tsino ang trade talks sa Amerika, batay sa pinakamalaking pasensya at katapatan. Walang batayan aniya ang pagbatikos ng Amerika sa pag-urong ng paninindigan ng Tsina sa pagsasanggunian. Umaasa aniya ang panig Tsino na itatakwil ng panig Amerikano ang maling kilos nito; at batay sa diwa ng paggagalangan, pagkakapantay at mutuwal na kapakinabangan, kokontrolin ang alitan, palalakasin ang kooperasyon, at pangangalagaan, kasama ng panig Tsino, ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng kapuwa panig.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>