Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagbubukas at magkakasamang pagtatamasa, inspirasyon ng pag-unlad ng 5G

(GMT+08:00) 2019-06-06 20:33:23       CRI
Ibinigay ngayong araw, Huwebes, ika-6 ng Hunyo 2019, sa Beijing ng Ministry of Industry and Information Technology ng Tsina ang mga 5G commercial-use license sa unang pangkat ng 4 na kompanyang kinabibilangan ng China Telecom, China Mobile, China Unicom, at China Broadcasting Network. Ito ay palatandaan ng pagsisimula ng paggamit na komersyal ng 5th generation telecommunication technology sa Tsina. Magdudulot ito ng maraming bagong pagkakataon sa bansa, magpapasulong sa pagbabago ng mga industriya, at magbibigay ng mga bagong serbisyo sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, pinalalaganap sa iba't ibang bansa ng daigdig ang paggamit na komersyal ng 5G. Kabilang dito, medyo hinog ang mga kompanyang Tsino sa mga teknolohiya at produkto sa aspektong ito. Halimbawa, ipinagkaloob ng Huawei Technologies Co. Ltd. ng Tsina ang mga teknolohiya at kagamitan sa serbisyo ng 5G na sinimulan kamakailan sa 6 na lunsod ng Britanya.

Samantala, malalim na lumahok naman sa pagsubok ng paggamit ng 5G sa Tsina ang mga kompanyang dayuhan, na gaya ng Nokia, Ericsson, Qualcomm, Intel, at iba pa. Kasama ng mga kompanyang Tsino, nagbigay sila ng ambag para sa pag-unlad ng 5G sa bansa.

Ang paggamit na komersyal ng 5G ay magbibigay ng bagong sigla sa paglaki ng kabuhayan sa buong mundo. Halimbawa, ayon sa pag-aaral, mula 2020 hanggang 2025, lilikha ito sa Tsina ng pamilihan ng 5G na may 430 milyong magagamit, at magdudulot din ng 10.6 trilyong yuan na direktang halaga ng kabuhayan at mahigit 3 milyong trabaho.

Ang pagpapaunlad ng 5G ay nangangailangan ng kooperasyon, at ang mga pagkakataong dulot ng 5G ay dapat itamasa ng lahat. Nakahanda ang mga kompanyang Tsino na lumahok sa konstruksyon ng imprastruktura para sa 5G sa iba't ibang bansa, at mainit ding tinatanggap ng Tsina ang paglahok ng mga kompanya at puhunang dayuhan sa konstruksyon ng 5G network at pagpapalaganap ng paggamit ng 5G sa bansa. Ang pagbubukas at magkakasamang pagtatamasa ay dapat maging inspirasyon ng 5G sa pag-unlad ng siyensiya at teknolohiya.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>