|
||||||||
|
||
Martes, Hunyo 11, 2019, nagkabisa na ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan sa pagitan ng Hong Kong at ilang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na kinabibilangan ng Myanmar, Singapore, at Thailand.
Matapos magkabisa ang bahaging naglalaman hinggil sa aspekto ng kalakalan ng mga paninda, ipinangako ng Singapore na isagawa ang zero-tariff sa mga produktong orihinal na niyari sa Hong Kong. Unti-unti namang babawasan at aalisin ng Myanmar at Thailand ang taripa sa nasabing mga produkto mula sa Hong Kong.
Noong katapusan ng taong 2017, nilagdaan ng Hong Kong at ASEAN ang Kasunduan ng Malayang Kalakalan at kaukulang Kasunduang Pampamumuhunan. Hanggang sa kasalukuyan, sa iba pang pitong miyembro ng ASEAN, natapos ng Biyetnam ang proseso ng pag-aproba sa free trade agreement, ngunit hindi pa nito natapos ang kaukulang proseso ng kasunduang pampamumuhunan. Sa iba pang anim na bansang ASEAN, hindi pa nila natapos ang proseso ng pag-aproba sa free trade agreement.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |