Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Miyerkules, Mayo 29, 2019 kay Heng Swee Keat, dumadalaw na Punong Ministro at Ministro ng Pinansya ng Singapore, ipinahayag ni Carrie Lam Cheng Yuet-ngor, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ang kanyang pananalig na ibayo pang mapapalalim ang relasyon ng Hong Kong at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Sinabi niya na sa mula't mula pa'y nagiging mahigpit ang relasyong pangkultura at pangkabuhayan, at pangkalakalan ng Hong Kong at Singapore. Inaasahan aniya ng Hong Kong na maisasagawa ang mas maraming kooperasyon sa mga larangang gaya ng bioteknolohiya, siyensiya't teknolohiyang pinansyal, at inobasyon.
Salin: Li Feng