Binuksan nitong Lunes, Hunyo 10, ang Ika-25 Shanghai TV Festival. Bilang isa sa mga pangunahing aktibidad ng idinaraos na pestibal, ginanap nang araw ring iyon ang Chinese Television Industry Summit.
Ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Kinilala ng mga kalahok na panauhin ang mga natamong bunga ng industriya ng telebisyon ng bansa sa programa at teknolohiya sa loob ng pitong dekada. Umaasa rin silang sasamantalahin ang mga bagong teknolohiya ng komunikasyon na gaya ng 5G, 4K, big data, cloud computing, artificial intelligence (AI) para magsagawa ng mas maraming kaaya-ayang teleserye at ibang mga programa para sa mga manonood.
Salin: Jade
Pulido: Mac