|
||||||||
|
||
Idinaos kahapon ng pamahalaan ng Shanghai ang seremonya ng pag-pirma sa mga proyekto na pinamumuhunan ng mga mangangalakal na dayuhan. Ang kabuuang halaga ng pamumuhunan sa 38 proyekto ay umabot sa 49.2 bilyong yuan RMB ( mga 7 bilyong dolyares. )
Sa lahat ng 38 proyekto, ang pamumuhunan ng mga bahay-kalakal ng Europa at Amerika ay binigyan ng pinakamaraming pansin: inilagak ng JP Morgan Chase & Co ng Amerika ang 800 milyong yuan RMB para itatag sa Shanghai ang kauna-unahang foreign holding securities company sa Tsina. Samantalang ang ng Allianz SE ng Alemanya ay may pondong 10 bilyong yuan RMB para itatag ang unang kompanyang ng seguro na kontrolado ng dayuhan sa Tsina. Ang INEOS ng Swizerland ay may puhunang 1.9 bilyong yuan RMB para itatag ang punong himpilan. Inilaan ng PSA Peugeot Citroen ang 950 milyong yuan RMB para itayo ang panrehiyong sentro ng pagbibili. Bukod ditto, ang LAWSON ng Hapon ay naglaan ng 240 milyong yuan RMB para magbukas ng 600 bagong tindahan sa Tsina. Ang Boustead Singapore ay may 200 milyong yuan RMB puhunan para itayo ang punong himpilan sa Shanghai.
Ayon sa estadistika ng Shanghai Municipal Commission of Commerce, simula ng taong ito, naging mabuti ang kabuuang kalagayan ng Shanghai sa pagpapapasok ng mga puhunang dayuhan.
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |