Mariing hiniling Martes, Hunyo 11, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Amerika na obdiyektibo't makatarungang tingnan ang proposal ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) hinggil sa pagsusog ng mga kaukulang ordinansa batay sa batas, at itigil ang pakikialam sa mga suliranin ng Hong Kong at mga isyung panloob ng Tsina, sa anumang porma.
Ayon sa ulat, ipinahayag kamakailan ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na ikinababahala nito ang proposal ng pamahalaan ng HKSAR hinggil sa pagsusog sa ordinansa ng mga nakatakas na akusado. Ayon sa Amerika, isasapanganib nito ang espesyal na katayuan ng Hong Kong sa mga suliraning pandaigdig.
Kaugnay nito, sinabi ni Geng na malawakang pinakinggan ng pamahalaan ng HKSAR ang kuru-kuro ng iba't ibang sirkulo ng lipunan hinggil sa gawain ng pagsusog sa mga ordinansa, dalawang beses na isinaayos ang panukalang ordinansa, at gumawa ng positibong reaksyon sa mga kaukulang mungkahi. Patuloy at buong tatag na kakatigan aniya ng pamahalaang sentral ang pagpapasulong ng HKSAR sa gawain ng pagsusog ng mga ordinansa.
Salin: Vera