|
||||||||
|
||
Nagtagpo nitong Huwebes, Hunyo 13, local time, sa Bishkek, Kyrgyzstan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Kassym-Jomart Tokayev ng Kazakhstan. Nangako ang dalawang pangulo na pasulungin ang kooperasyon para makapagdulot ng mas maraming benepisyo para sa mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyon.
Ipinahayag ni Xi ang pasasalamat kay Tokayev sa kanyang ibinibigay na ambag sa pagpapasulong ng relasyon ng Tsina't Kazakhstan. Kinilala rin ni Xi ang mga natamong bunga ng dalawang bansa sa magkasamang pagpapasulong ng Belt and Road Initiative (BRI). Nanawagan siyang palakasin ang pag-uugnay ng Silk Road Economic Belt at patakarang pangkabuhayan na Bright Road ng Kazakhstan para makinabang dito ang mga mamamayan ng dalawang bansa at rehiyon.
Ipinahayag naman ni Tokayev na patuloy na magsisilbing priyoridad ng patakarang panlabas ang patakaran ng Kazakhstan sa Tsina, para sa kasaganaan ng bansa at rehiyon.
Nakahanda ang dalawang pangulo na palakasin ang pagtutulungan sa larangan ng production capacity, agrikultura, hay-tek, pinansya, lohistika, digital economy.
Nagkaisa rin silang pahigpitin ang pagtutulungan sa ilalim ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at Conference on Interaction and Confidence-Building Measures in Asia (CICA), at koordinasyon sa mga isyung multilateral.
Nagtagpo ang dalawang pangulo bago magbukas ang Ika-19 na SCO Summit ngayong araw.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |