Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tsina, nananatili pa ring mainit na destinasyon ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal

(GMT+08:00) 2019-06-14 12:14:28       CRI

Ayon sa estadistikang inilabas Huwebes, Hunyo 13, 2019 ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, noong unang 5 buwan ng taong ito, 369.06 na bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina, at ito ay lumaki ng 6.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Sa kalagayan ng malinaw na pagbagal ng dayuhang direktang pamumuhunan sa buong mundo, ang ganitong paglaki ay nagpapakitang ang Tsina ay nananatili pa ring mainit na destinasyon ng pamumuhunan ng mga dayuhang mangangakalal, at di-totoo ang pananalita ng panig Amerikano na di-umano "ang pagpapataw ng karagdagang taripa ay hahantong sa pag-urong ng mga dayuhang bahay-kalakal mula sa Tsina." Tuluy-tuloy na nakakaakit ang Tsina ng pagpasok ng mga dayuhang bahay-kalakal, sa pamamagitan ng walang humpay na pagbuti ng kapaligirang pang-negosyo.

Noong unang 5 buwan ng 2019, lumitaw ang dalawang malinaw na katangian sa pamumuhunan ng mga dayuhang mangangalakal sa Tsina: una, pinapabilis ng mga dayuhang mangangalakal ang pamumuhunan sa high-end ng industry chain. Lumaki ng 47.2% ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng hay-tek na industriya ng Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. May kalakihang paglago rin ang pamumuhunan sa hay-tek na industriya ng pagyari at hay-tek na industriya ng serbisyo. Ika-2, mainam ang tunguhin ng paglaki ng pamumuhunan mula sa mga pangunahing pinanggagalingan ng pamumuhunan na gaya ng Hong Kong, Timog Korea, Hapon, Amerika, Britanya, Alemanya at Unyong Europeo (EU). Kabilang dito, lumaki ng 7.5% ang pamumuhunan ng Amerika sa Tsina kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang lahat ng mga datos ay nagpapatunay na kasinungalingan talaga ang pahayag na "ang pagpapataw ng karagdagang taripa ay hahantong sa pag-urong ng mga dayuhang bahay-kalakal mula sa Tsina."

Ayon sa datos ng United Nations Conference on Trade and Development (UNCTAD), noong 2018, bumaba ng 13% ang Foreign Direct Investment (FDI) ng daigdig. Kabilang dito, bumaba ng 9% ang puhunang dayuhan na nakuha ng Amerika, pero tumaas ng 4% ang puhunang dayuhan na inilagak sa pamilihang Tsino. Noong unang 5 buwan ng taong ito, lumaki ng 6.8% ang puhunang dayuhan na napasok sa Tsina, at muling nagpapatunay ito ng pag-akit ng de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang Tsino.

Kahit ang alitang pangkalakalan na inilunsad ng Amerika ay nagbunsod ng di-tiyak na elemento sa kabuhayang pandaigdig, at humantong sa malaking pagbabawas ng paggalaw ng transnasyonal na kapital sa buong mundo, nagpapatunay ang Tsina na mapagkakatiwalaang partner ito, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyong gaya ng mas bukas at mas mabisang paggamit ng puhunang dayuhan, pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga dayuhang bahay-kalakal, pagkakaloob ng mas magandang serbisyo sa mga bahay-kalakal ng iba't ibang bansa, at iba pa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>